Panawagan Para sa Catholic Vote

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Nais ko lang pong manawagan at humingi ng tulong sa lahat ng ating mga kababayan diyan upang makita ang nawawalang “Catholic Vote”. Huli po itong nakita sa kasagsagan ng eleksyon nuong Lunes, a-trese ng Mayo, taong dalawang libo at tatlumpo. Ito po ay bigla na lang naglaho na parang bula, at mula nuon ay hindi na po nakita ulit.

Ayun po sa ilang mga huling nakakita, kasama daw po ito sa opisina ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP kasama ng mga Obispo at Pari, pati na rin ang ilang mga politiko tulad ni Mitos Magsaysay ang mga miyembro ng grupo ng “Ang Kapatiran”.

Kung sakali lang po na makita po ninyo ang Catholic Vote na ito, maaari lang sana po isumbong ninyo agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Para po mapabilis ang paghahanap sa nawawalang Catholic Vote na ito, handa po kaming magbigay ng pabuya sa sino mang makakatulong sa paghahanap nito. Ang pabuya pong ito ay ang garantisadong pagpasok sa langit kapag siya ay sumakabilang buhay na.

Madali pong makilala ang Catholic Vote na ito dahil sa ilang mga palatandaan: Una, ito po ay naka puti. Pangalawa, ito po ay mahilig mag pantasya sa kanyang impluensiya.

Naway po ay matulungan ninyo kami na makita agad itong nawawalang Catholic Vote.

Maraming salamat po.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: